May mga araw na awang awa na’ko sa sarili ko. Bakit ba kasi ang hirap mong kalimutan? Hindi ka naman ganon kapogi pero marami naman ang nakaka alam na hindi naman ‘yun ang naging reason bakit kita pinili. Tangina, wala pang isang taon simula nung nagbukod tayo may bago kana agad. Was I just that easy to forget? Were you really sincere nung sinabi mo na mahal mo’ko? Or ako lang yung sinabihan mo nung mga salita na ‘yon kasi ako lang yung nasa tabi mo that time? Minahal kita nang sobra. Alam mo ‘yan. Nakuha ko pang mag rebelde sa mga magulang ko nung sinabi nila na hindi ka nila tanggap. Yung mga sikreto natin na tayong dalawa lang ang nakaka alam? Kinikimkim ko pa rin until now. Nirespeto at inintindi kita nung sinabi mo na napagod kana sa’kin, pero puta, ikaw parin naman eh:( Bakit parang ang dali sa’yo na iwan ako, na parang wala lang ako? Ang dami kong tanong tanong na gusto kong marinig sa’yo mismo yung mga sagot. Ang dami kong tao na nilayuan kasi sabi mo ayaw mo sakanila, kahit yung mga tao na ‘yon eh mga malalapit na kaibigan ko. Tangina iniwan mo’ko, kanino ako lalapit ngayon?? Ang hirap mong bitawan kasi sa’yo ko unang naranasan lahat ng mga “first time” ko. Napapaisip ako minsan, pinaglaban mo ba’ko? O ako lang ang lumaban sa’ting dalawa? L miss na miss ko na presensya mo:( Pero humakbang ako palayo kasi sabi ko rerespetuhin ko na lang yung relationship n’yo, na ayokong maranasan n’ya yung panloloko na ginawa mo sa’kin. Ilang beses kitang sinulatan nga mga mahahabang mensahe kahit na never akong gumawa non sa ibang mga lalake na nakasama ko. Tangina nawala angas ko kasi sa’yo lang ako nag beg nang sobra para balikan mo lang ako. wala akong ginawang masama, ang mali ko lang ay hindi ako nag o-open up sa’yo. Pero matagal ka na kasing aware na mahilig akong mag push ng mga tao palayo sa’kin kapag hindi ako okay diba? And naging thankful ako kasi tumagal ka sa’kin kahit na ganon yung ugali ko. Mahal na mahal kita, L. vIto na talaga yung pinaka last ko, salamat sa lahat ng alaala at lessons, salamat sa lahat ng experiences na sa’yo ko unang naranasan. ILY, Uno:)
*Name is not required.